Horoscope, March 24, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito ng Martes habang nakasuot ng kulay na pula malaking halaga ang maibubulsa. Sa pag-ibig, sa araw na ito magugulat ka, darating ang isang kakaakit-akit na Libra. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Bukod sa red buenas ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kahit may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang darating. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalong kulay “red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Wag makuntento sa pag-tunganga! Ngayong malapit na ang Holy Week simulan ang pagninilay. Sa pagpapakabanal mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Purple at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Kung hindi ka magpapabago-bago ng isipan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ganon din ang gawin, ibuhos ang todong pagmamahal sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing sari-saring gulay at sariwang mga prutas upang lalo pang maging healthy ang pangangatawan. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin! Sa sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Aries. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kahit maraming trabaho kailangang maglibang, aanin ang bulto-bultong halaga ng salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang swimming sa gilid ng dagat. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi natatapos ang problema, subalit kusa namang lumilipas. Ituloy mo lang ang nasimulang dagdag na pagkakakitaan, malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, kahit maraming problema busugin parin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag pag-alinlanganan ang sariling kakayahan! Tiwala sa sarili, ang susi ng pagyaman. Sa pag-ibig, kausapin ang sarili sa harap ng salamin: “Ako ngayon ay may pambihirang kagandahan, maakit ko ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran.” palad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi ang panlabas na anyo ang mahalaga! Kahit pangit ang kasuyo, suwerte ka parin dahil pinagtiyagaan ka nyang mahalin. Sa pinansyal panatiliin ang ugaling “bukas-palad” upang lalo pang umunlad. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at black ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, tuloy parin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Black at apple green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, masusuong ka na naman sa mga problemang may kaugnayan sa pakikipag-relasyon. Maiiwasan ang ganong kapalaran, kung pipili ka ng iibiging hindi sikat. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang kapaligiran. Kapag malinis na malinis ang iyong ginagalawan, lalo kang susuwertehin at yayaman. Sa pag-ibig isang Cancer ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Read more...