ONE D concert generally peaceful – PNP

one direction

NAGING mapayapa at matagumpay ang dalawang gabing concert ng British boy band na One Direction, itoy matapos ipatupad ng PNP ang mahigpit na seguridad sa Mall of Asia sa lungsod ng Pasay, kung saan ginanap ang concert.

Ayon kay Supt. Daniel Oamil, deputy chief ng Pasay City, walang naitalang insidente ng karahasan sa loob at labas ng Mall of Asia concert grounds kung saan nagtanghal ang grupo.

Base sa datos ng Pasay City Police, aabot sa 25,000 ang dumalo sa ginanap na concert bukod pa sa mga mahigit 10,000 tagahanga na nasa labas ng concert grounds.

Isang babae lamang ang naiulat ng pulisya na hinimatay habang nagpe-perform ang grupo at agad naman itong nalapatan ng lunas sa mga nakaantabay na medical team.

Read more...