DAWN tinalakan ang isang bossing ng ABS? | Bandera

DAWN tinalakan ang isang bossing ng ABS?

|May 27,2012
facebook
share this

DAWN tinalakan ang isang bossing ng ABS?

- May 27, 2012 - 03:18 PM

Di pinayagang umalis nang maaga sa taping ng ‘Walang Hanggan’

Parang hindi kami makapaniwala sa nasulat na napasigaw raw si Dawn Zulueta when an executive did not allow her to leave her taping early para makapag-shoot ng kanyang indie film.

Having known Dawn for years, parang hindi naman yata carry ni Dawn na magtatalak sa harapan ng isang executive.

Ayon sa write-up, nakiusap naman daw si Dawn kung puwede siyang umalis ng taping nang mas maaga dahil may shooting pa siya sa kanyang indie film pero hindi siya pinagbigyan.

The second time, sweet pa rin daw nagpaalam itong si La Zulueta if she could leave the set na pero wala pa rin daw go signal.

At that point, doon na raw bumigay ang pasensiya ni Dawn at napatili. Ayun, naloka raw ang executive ng kanyang soap opera, ang Walang Hanggan.

And in exasperation perhaps, Dawn asked daw the executive to kill her character na lang.

Ganu’n? Eh, paano na ang Walang Hanggan?

Sayang naman kung mawawala roon si Dawn dahil isa nga siya sa major attractions ng show aside from Coco Martin.

We hope na hindi ito totoo dahil talagang naging trending ang beauty ni Dawn dahil sa Walang Hanggan ng ABS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending