CHARICE inaatake na raw ng inggit kay JESSICA SANCHEZ | Bandera

CHARICE inaatake na raw ng inggit kay JESSICA SANCHEZ

|May 27,2012
facebook
share this

CHARICE inaatake na raw ng inggit kay JESSICA SANCHEZ

- May 27, 2012 - 03:14 PM

Kaya hindi tumulong para manalo sa American Idol

Ayaw na ring patulan ng mga social media friends namin ang statement ni Charice tungkol sa pakiusap nitong huwag silang pagkumparahin ni Jessica Sanchez.

Obvious naman kasing wala sa balita ngayon ang international singer, kaya ‘yung mga ganu’ng pahayag ay hindi talaga dapat patulan.

At huwag na ring pangarapin pa ni Charice na maikumpara sila dahil siguradong magsa-suffer siya nang bonggang-bongga lalo pa’t mga kapwa niya international stars (and icons pa ang iba) ang laging nagsasabing si Jessica na nga ang next most important singer na mamahalin ng mundo.

Sa napakatagal na panahong nasa kontes si Jessica ay never na nag-emote si Charice lalo na ang magpakita man lang ito ng suporta. Sa estado sana niya ay madali rin siyang makakahakot ng boto for Jessica, but she didn’t.

Tapos ngayong pinagkakaguluhan ito ng mundo, heto siya at magpapahayag ng mga anik-anik about Jessica! Hello!

Let’s talk about getting media mileage kaya?

Type talaga naming maramdaman ng mga gaya ni Charice ‘yung kasabihang, “Magsasalubong din kayo somewhere – either galing ka sa itaas o ikaw ang aakyat?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending