Vice: May mga ginawa si Toni sa Bb. Pilipinas na hindi bayad!

vice ganda toni

Of course, kinampihan ni Vice Ganda ang kaibigang si Toni Gonzaga sa ginawa nitong pagho-host sa nakaraang Bb. Pilipinas 2015 coronation night.

Sa isang panayam, ipinagtanggol ni Vice si Toni mula sa mga bashers nito na nagsabing binastos ng TV host-actress ang event. Ayon kay Vice, ginawa lang ni Toni ang kanyang trabaho, at naniniwala siya na mas maraming napaligaya ang sister ni Alex kesa sa nanlalait sa kanya.

Sey pa ni Vice, as one of the pageant’s judges, napakalaking tulong ng pag-e-entertain ni Toni sa Araneta habang nagde-deliberate sila para sa final results ng contest.

Kung wala raw si Toni siguradong na-bore at nainip ang audience. “Si Toni ang bumuhay ng buong Araneta ng napakahabang oras. Kung alam ninyo lang kung ano ang ginawa ni Toni.

May mga ginawa si Toni na ‘di na kasama sa binayaran sa kanya nung gabing iyon,” sey pa ni Vice sa nasabing TV interview. Dagdag pa ni Vice, alam niyang hindi masyadong apektado si Toni sa pamba-bash sa kanya sa social media dahil sanay na sanay na ito sa ganitong sistema.

“Kahit na ano pang pinakasimpleng bagay, mayroon at mayroon mag-e-enjoy at makaka-appreciate,” chika pa ng TV host-comedian.

Dagdag pa niya, ang importante, maraming napasaya si Toni nu’ng gabing ‘yun, kaya payo niya sa kaibigan, dedmabels na lang sa patuloy na nanlalait sa kanya hanggang ngayon.

Read more...