Sa wakas, kasal nina Bernard at Meryll annulled na

bernard palanca

NAGKITA kami ng isa ko pang love sa showbiz with his beautiful fiancee Janica Ejercito na super-love ko rin (anak nina President-Mayor Joseph Estrada and Ms. Laarni Enriquez) sa kasal ng baby kong si Patrick Garcia to Nikka Martinez sa Blue Leaf Macapagal last Saturday afternoon.

At masaya ngang ibinalita sa akin nina BJ (palayaw ni Bernard) and Ica na napawalang-bisa na ang kasal ni Bernard kay Meryll Soriano whom he has a son.

“Naku Tito Jobert, mas nauna ka pang nakaalam kay Mommy (Laarni) tungkol sa balitang ito kaya magugulat iyon. Ha-hahaha!” bungad sa akin ni Ica na sobrang-ganda talagang bata.

“I’d like everyone to know na finally the long wait is over – annulled na ang kasal namin ni Meme (Meryll). Matagal na naming hinintay ito – seven years kaya ganoon na lang ako ka-happy, so with Meryll kasi meron pa rin kaming communication dahil we’ve remained friends,” ani BJ.

“Why I want the whole public to know na annulled na ako ay para maalis ang hindi magandang tingin nila kay Ica. Kasi nga may anak kami and with that finality sa annulment namin, we can plan ahead.

We want to make things right. Mag-iipon muna ako. I need to work and save para pag ready na kami, kami naman ang mag-iimbita sa iyo sa magiging kasal namin,” lambing ni BJ.

Siyempre, sobrang-saya namin dahil hindi na sila kokondenahin ng mga mapanuring mga tao na nagsasama sila kahit hindi pa sila kasal ni Ica. Congrats sa inyong dalawa. May your tribe prosper. Mwah!

Read more...