Taga-QC wagi ng P59.2M jackpot sa Mega Lotto

lotto 6-45

Sa Quezon City tumaya ang nanalo ng P59.2 milyong jackpot prize sa huling bola ng Mega Lotto 6/45.

Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo sa bola noong Biyernes ay tumaya sa Murphy, Cubao.
Siya ang nag-iisang tumaya sa mga lumabas na numerong 02-03-30-14-29-22. Nagkakahalaga ng P26.38 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
Nanalo naman ang 57 mananaya ng tig-P23,140 matapos makuha ang limang numero at tig-P370 ang 2,815 mananaya na naka-apat na numero.
Balik-taya (P20) naman ang 38,656 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...