Alex bawal mag-promote ng concert sa mga show ng ABS-CBN

alex gonzaga
Hindi naman pala totoo ang tsikang hindi binibigyan ng schedule si Alex Gonzaga para sa promo ng kanyang “The Unexpected Concert” na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 25.

May narinig kasi kaming hinaharang daw ang promo ni Alex, “hindi mo ba napapansin na kalagitnaan na ng Marso, hindi mo pa rin nakikitang nagpo-promote si Alex ng concert niya? Kasi hindi siya binibigyan ng guesting sa mga show.”

Nag-isip kami at pansin nga namin na hindi napapanood si Alex na nagpo-promote ng concert niya sa The Buzz, Kris TV, Aquino & Abunda Tonight, ASAP 20, Showtime, at Gandang Gabi Vice o baka hindi lang namin na-monitor?

Nagpo-produce rin kami kaya alam namin na mas maganda kung maaga ang promo ng show para aware ang tao at uulitin isang linggo bago ang mismong concert.

Baka naman kasi walang panahong mag-promote si Alex dahil sobrang busy niya sa taping ng Inday Bote with Matteo Guidicelli and Kean Cipriano, kasi tanda namin, sabi ng business unit head ng programa na si Mr. Rondel Lindayag ay araw-araw ang taping nila dahil sobrang hirap kunan ng mga eksena nina Alex at ng mga duwende.

Anyway, may nakatsikahan kaming taga-ABS-CBN at nalaman naming may naka-schedule si Alex sa ASAP 20, “This Sunday may mga kasamang Star Magic Full Circle sa production number ni Alex, kaya ito na rin ‘yun.

Tapos naka-schedule siya ng April 12,” say sa amin. Okay fine! Balita namin ay maganda rin bentahan ng ticket sa“The Unexpected Concert” ni Inday Bote.

Read more...