Coco: Isa si Julia sa mga itinuturing kong kayamanan! By: Ervin Santiago - 10 years ago AMINADO ang Hari ng Primetime na si Coco Martin na espesyal ang turing niya sa Kapamilya actress na si Julia Montes, na muli niyang makakatambal sa pinakabagong Wansapanataym summer special na pinamagatang “Yamishita’s Treasures” na magsisimula na ngayong gabi sa ABS-CBN. “Sa dami na ng mga nakasama kong artista sa iba’t-ibang proyekto, si Julia talaga ‘yung masasabi ko na mayroon akong pinakamalalim na samahan,” ani Coco. “Isa siya sa pinakamahalagang treasure ko dito sa showbiz dahil hindi ko lang siya basta katrabaho at ka-loveteam, kaibigan ko siya mula pa noong hindi pa ako sikat at kasabayan ko siyang dumanas sa iba’t ibang yugto ng pagiging artista.” Ang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ay iikot sa kwento ni Yami (Coco), isang treasure hunter na mapupunta sa mundo ng mga diwata, kung saan makikilala niya si Tanya (Julia). Anong treasure nga ba ang matatagpuan ni Yami sa mundo nina Tanya? Paano nila matutulungan ang isa’t isa para protektahan ito mula sa mga diwatang magnanakaw? Makakasama rin nina Coco at Julia rito ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores, at Alonzo Muhlach. Ito ay mula sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado, sa direksyon ni Avel Sunpongco. Huwag palampasin ang pagsisimula ng adventure nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures under Dreamscape Entertainment ngayong Linggo, 6:45 p.m. after ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN. READ NEXTKathryn tinawag na ‘BABE’ ng volleybal varsity player MOST READ Petitioner contests Comelec junking of DQ case vs Quiboloy BFAR plane tells Chinese Navy: ‘Review your chart!’ From vanishing ‘belens’ to pop-ups of polar bears—the changing face of Christmas in the Philippines Ombudsman suspends 2 Batangas town execs over grave misconduct complaint Chavit Singson launches own digital bank, eyes 20M users LATEST STORIES PBBM sets farmers free from years of agrarian debt (Isabela Agrarian reform) Love Knots, December 24, 2024 Tuldok, December 24, 2024 Crazy Jhenny, December 24, 2024 Up to 7,000 Pogo workers seen to leave PH before Dec. 31 deadline Read more...