Sulat mula kay Lorie ng Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend na ako ngayon kaya lang hindi ko siya masyadong mahal, lagi ko kasing naaalala ang first love ko na tawagin na lang nating Oliver. Nagkalayo kasi kami ni Oliver ng bumalik na siya ng Maynila, at dahil gusto kong makalimot, sinagot ko ang panliligaw kong si Aldrin kahit hindi ko siya masyadong mahal. Gusto ko pong itanong kung babalikan pa kaya ako ni Oliver at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami? Balak ko na kasing makipag-break sa kasalukuyan kong boyfriend, kasi hindi ko naman siya talagang mahal. Tama ba ang gagawin kong ito at sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko? September 25, 1991 ang birthday ko.
Umaasa
Lorie ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sino ang minahal mo ng tunay at tapat, naramdaman mo talaga ang presensiya niya sa kasalukuyan at kahit wala na siya ay lagi mo rin siyang na-aalala, sa bandang huli, ang lalaki na ngang iyon, ang nakatakda mong makatuluyan at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Four of Hearts at Jack of Spades ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagsapit na pagsapit ng ikaapat na buwan sa taong ito ng 2015, dili’t iba sa buean ng Abril, tiyak ang magaganap – magdedesisyon ka na at ang magiging desisyon mo ay makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend at hintayin ang pagbabalik ng iyong first love na si
Oliver.
Itutuloy…..
Hindi pa rin makalimutan ang first love
READ NEXT
Malaking tsimis
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...