Atrebida at maldita, ganu’n kung ilarawan ng ibang nakakausap namin si Alyanna Martinez, ang panganay na anak ng namayapang aktres na si Liezl at ni Albert Martinez.
Hindi raw kasi nila inasahan na si Alyanna pa ang babangga sa kanyang Lola Amalia, siya pa ang magpapakawala ng kung anu-anong salita, bilang depensa sa kanyang mga magulang.
Pero hati ang simpatya at paghusga ng mga kababayan natin, marami ring nagbibigay ng pang-unawa kay Alyanna, alam na alam daw niya ang tunay na istorya ng hidwaan ng kanyang lola at mga ma-gulang kaya siya lang at ang kanyang mga kapatid ang puwedeng magsabi ng katotohanan.
Komento naman ng isang kaibigan naming propesor na maraming taon nang nakasubaybay sa issue, “Nagagalit lang si Amalia dahil tulad niya, e, very vocal din si Alyanna, nakatagpo siya ng katapat sa mismong apo niya, hindi pala papayag ang apo niya na basta na lang niya husgahan si Albert!
“’Yun ang totoo! Hindi nagmamaldita ang bata, kailangan lang niyang magsabi ng saloobin niya, dahil alam na alam niya ang kuwento tungkol sa nakamatayang problema ng mommy niya!” makahulugang pahayag ng aming kausap.
Sabi naman ng iba pa naming source, “Saan ka naman nakakita ng ganyan na nakaburol pa ang bangkay, e, kung anu-ano na ang pinagsasasabi ni Ms. Amalia?
“Sana naman, e, hinintay niya muna ang pagbababang-luksa, para naging disente ang dating ng paglalabas niya ng sama ng loob. Nasa kabilang buhay na ang anak niya, hanggang ngayon ba naman, e, ganyan pa rin ang sitwas-yon?” nag-aalalang sabi ng aming impormante.