MAGANDANG araw po!
Gusto ko po sanang itanong kung covered po ba ng PhilHealth ang panganganak? Magkano po ang pwede kong ma-avail? Please help me po.
Thanks,
Alyssa
REPLY:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ikinagagalak po naming ipaalam sa inyo ang mga benepisyong maaaring matanggap ng aming mga miyembro sa panganganak.
Ang mga ito ay maibibigay namin sa mga aktibong miyembro ng PhilHealth at sa kanilang mga qualified dependents.
Mayroon pong nakalaang P5,000 na halaga ng benepisyo sa mga manganganak sa mga ospital, samantalang P6,500 naman po ang makukuhang diskwento ng mga miyembro o dependent na manganganak sa mga non-hospital facility o lying-in clinic. P 19,000 po ang coverage ng mga kababaihang manganganak sa pamamagitan ng Caesarean Section.
Sapagkat nais na-ming ipadama sa mga inang miyembro ang aming pagkalinga bago at pagkatapos ng kanilang panganganak, kaakibat ng mga benepisyong nabanggit ang Prenatal Care Package para sa mga ina na nagkakahalaga ng
P1,500 at mayroon ding P1,750 na Newborn Care Package para sa mga sanggol.
Ipinararating po namin sa inyo ang lubos naming pasasalamat sa inyong interest at intensyong alamin ang in-yong mga karapatan at mga benepisyo. Ito po ang adhikain na patuloy na pinagtitibay at isinasagawa ng PhilHealth para sa bawat Pilipino.
Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.