Kris niregaluhan ng mga bagong damit si Michael Pangilinan

kris aquino michael

ILANG taon din kaming hindi nag-usap ni Kris Aquino – may kaniya-kaniya kaming dahilan kung bakit we decided to shy away from each other. Mga dahilang nais naming isiping may kaniya-kaniya kaming mga punto kaya kailangang mangyari.

There were times kasi in the past na nagkakasalubong na ang pagkairita siguro namin sa isa’t isa at kilala niyo rin naman ako, when I don’t like a person or a thing, ayoko.

Hindi ako puwedeng mabili pero puwede akong echosin. Iba kasi yung binibili ka at iba naman ang nalalambing ka. Kris never attempted naman to buy me out on anything – pag merong favor iyan from me, alam naman niya kung paano ako etsingin eh.

Mababaw lang naman ako – nagkakatalo na kahit sa isang tasang kape lang. Konting halakhakan lang tapos na. Huwag mo lang akong paramdamang masyado akong maliit sa iyo at meron kang paglalagyan sa akin.

Maliit man ako kumpara sa estado ng iba pero sinsero naman ang puso ko sa anumang uri ng friendship. I can take bullets for friends you know.

Anyway, nagbago ng konti ang ihip ng hangin between me and Kris nu’ng maging alaga ko ang mahusay na bagets singer nating si Michael Pangilinan.

Yes, siya si Pare Ng Bayan – ang Bagong kilabot ng mga Kolehiyala na umawit ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” that made waves sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Songs Competition sa Araneta Coliseum.

Nangyari ang unang pagbabati namin ni Kris nang mag-guest ang mga Himig Handog finalists sa KrisTV na ginanap sa 19 East sa Sucat, Parañaque last year. Nakakatawa ang mga eksena kung paano kami nagkita ulit ni Kris.

Pagdating namin ni Michael sa venue one early morning, wala pa si Kris that time. Pina-make-up-an ko muna si Michael and inaayos ang mga isusuot sa kaniyang guesting.

Nang mabalitaan kong Kris already arrived, lumabas na ako ng venue at nagyosi. Habang ako’y nagmumuni-muni while smoking just right outside the taping venue, nakikita pala ako ni Kris from the inside kasi one way ang mirror at doon sa bandang entrance lang ang waiting area niya.

Finally, she went out and malambing na nagbiro sa akin ng “bakit nandiyan ka Jobert? Dito ka,” aniya. As a gentleman (gentleman daw, oh!) lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang nag-dialogue nang mahinahon ng “are you now ready to be friends with me?” Natawa talaga ako sa tinuran niya – bineso ko siya and said “yes” to her.

Habang nag-uusap kami ni Kris ay dumaan sa harap namin si Michael and ipinakilala ko siya kay Kris. Sabi ko “Michael, eto si Ate Kris mo” and he politely greeted her naman.

Siyempre, kailangang i-greet niya nang maayos si Kris or else – out siya sa show. Ha-hahaha! And from then on, naging magiliw na si Kris kay Michael because of me.

“Gawin nating regular si Michael sa KrisTV pag meron kaming musical. Pero kailangan kunan mo siya ng stylist para lalo siyang maging guwapo sa TV,” hirit agad ni Kristeta.

Sabi ko sa kaniya, as much as I would like to hire a stylist for Michael, hindi pa namin kaya ‘kako. Konti pa lang ang kita ni bagets. Kahit may kaya naman ang pamilya nito, iba pa rin siyempre yung nanggagaling sa sarili niyang bulsa ang pambili niya ng mga damit, di ba?

Nang mag-guest naman si Michael sa Aquino & Abunda Tonight ay inulit na naman ni Kris ang mga katagang “Jobert, invest na on a stylist for Michael”. Ayan na naman ang baklitang Tetay – umarangkada na naman.

Nang hindi ko na matiis, biniro ko siya ng “kung mapilit ka, bakit hindi mo isponsoran si Michael kasi wala pa nga kaming pera.”  “Ok. Ako na lang ang bibili ng clothes for him.

Tawagan niyo nga si Bang Pineda (designer) and ask him to buy some clothes for Michael”, ani Kris. To make the long story short, inihatid na ni Bang Pineda ang mga pinabiling damit ni Kris for Michael – tulong niya ito sa amin dahil in fairness naman kay Kris this time, gusto niya akong tulungan para hindi mahirapan masyado sa pag-manage kay Michael.

In terms of exposure, hindi ko puwedeng itangging malaki ang naitulong ng KrisTV sa popularity ni Michael ngayon.
After I received Michael’s clothes from Bang, I immediately texted Kris to thank her and she responded.

Pinapagawan pa raw niya ng dalawang sweaters or suits si Michael kay Bang para pang-formal ni bagets. “I keep my promises. Thank you to Michael for helping us renew our friendship”, she texted me.

Medyo na-touch ako sa message niyang iyon and I thank her again – I told her how we appreciate the help she’s been extending to Michael.

Sa totoo lang, naluha ako sa message na iyon ni Kristeta. Kinagabihan sa DZMM and while we were doing the program, napadaan si Kris sa tapat ng studio namin, she stopped and waved sa amin sa salamin with the hearty smile habang si Bimby ay tumalon naman para makita rin namin na nakangiti sa salamin.

I really felt so good – really good. Thanks talaga sa anak kong si Michael dahil he brought Kris and me back to each other’s arms.

Speaking of Michael Pangilinan, ngayong gabi ay nandiyan siya LIVE sa Laoag para sa event ng iFM. isa siya sa special guests nila. He’ll be back tomorrow for some recordings. Ingat sa biyahe anak and break the house down, ok?

Read more...