HOROSCOPE, March 20, 2015 | Bandera

HOROSCOPE, March 20, 2015

Madam Sophia - March 20, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ang mahinang pagkatao ay masasawata kung laging makikisama sa mga may may birth date na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, at 27. Sa pakikisalamuha sa kanila ay kusang mapapasaiyo ang suwerte at ligaya. Mapalad ang 9, 11, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Beige at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat tanggihan ang isang imbitasyon sa pag-aabroad. Pagkakataon mo na upang umunlad. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang mga negatibong inuugali ng kasuyo, magbabago rin siya pagsapit ng Abril, kapos lang kasi kayo ng pera sa ngayon. Mapalad ang 3, 27, 30, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi dapat madaliin ang pagyaman. Sa inot-inot na pagsisinop ay uunlad din ang kabuhayan. Sa pag-ibig, hintaying kalabitin ka ng iyong minamahal, iwasang ikaw na lang lagi ang nangangalabit. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Higit kang uunlad at kikita ng maraming pera kung mapapanatili mo ang iyong pagiging unique. Kailangang maging iba ka sa lahat. Sa pag-ibig, gunitain ang anibersaryo ng inyong pagmamahalan nang may saya at ngiti sa iyong puso. Mapalad ang 5, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Tubig ang mahiwaga mong elemento. Moon naman ang suwerte mong planeta. Sa pagpasok ng Semana Santa, habang bumibilog ang buwan sa langit ay tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, may kakaibang romansang mararanasan. Mapalad ang 2, 11, 23, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Mababawasan ang stress at ang init ng ulo kung yayain ang kasuyo na mag-swimming. Panahon na upang mag-unwind upang ma-refresh ang kapalaran at ang negatibong pakiramdam. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhi-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Lalong uunlad at dadami ang pera kung aalis ka muna sa iyong private zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, wag mahiyang sumama sa kasuyo kung saan man niya nais pumunta. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Wag masyadong matakaw upang hindi ka tumaba. Panahon na upang isagawa ang “fasting and abstinence.” Sa pag-ibig, diyeta muna sa sex at sa mga bagay na may kaugnayan sa kamunduhan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag gamitan ng panlalamang ang pakikisalamuha sa kapwa, sa halip ay sa mabuting asal mas uunlad at papalarin ka. Tandaan mong lagi ang iyong dalawang layunin: “Maligayang relasyon at maraming pera.” Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Iwasan ang mga taong punggok na matataba na sakang lumakad, ipapahamak ka lang nila. Sa pinansyal, umpisahan na ang negosyong may kaugnayan sa tag-araw, magtinda ng halo-halo at ice cream. Mapalad ang 3, 9, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag magpaapekto sa nangyayaring hindi maganda sa iyong kapaligiran. Ituloy mo lang nang ituloy ang iyong layunin. Sa pinansyal, wag nang mag-aya ng iba pang sasama sa binabalak na outing mas kokonti lang kayo para mas tipid. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Black at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Magnilay-nilay ka ngayon! Hanggang kailan mo ba lolokohin ang iyong sarili? Dispatsahin na ang kasuyong walang kuwenta. Sa pinansyal, unti-unti mo nang mare-realize na wala rin pa lang kabuluhan ang pera kung wala sa iyong nagmamahal. Mapalad ang 4, 8, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Anumang hamon ang dumating, makakasilip ka ng malikhaing solusyon sa iyong problema. Kahit kinakapos sa material na bagay, maabsuwelto ka rin sa tulong ng isang kaibigang Virgo. Sa pag-ibig, tag-araw na kaya yayain ang kasuyo na mag-swimming. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending