Dala siguro ng labis niyang pagmamahal sa aktres kaya nakukuha niyang sundin lahat ng mga ipinag-uutos nito.
Sagrado Katoliko itong si Rayver pero napapayag siya ni Cristine na mag-join sa Christian bible studies.
Of course, there is nothing wrong with that pero hindi ba naisip ni Cristine na may sariling paniniwala si Rayver at ang kanyang pamilya.
Ang sabi sa amin, nakakaloka ang biglang pagbabago ni Cristine.
All too suddenly ay bigla itong naging maka-Diyos at panay ang basa ng Bible. She also regularly attends Bible-sharing sessions.Interestingly, si Cristine daw ay naimpluwensiyahan ng isang actor na kasama niya sa soap opera, si Piolo Pascual.
Hindi n’yo ba napansin, dati-rati naman ay hindi uma-attend si Cristine ng Bible-sharing sessions pero simula noong nakasama niya si Piolo ay always present daw ito palagi.
If rumors are to be believed, sinasabing lahat ay gagawin ni Cristine mapalapit lang siya nang tuluyan kay Piolo.
So, is joining his Bible-reading sessions one of them, ha, Cristine?
At kung totoo ngang type mo si Piolo, bakit hindi mo pa hiwalayan nang tuluyan si Rayver?
Marami kasi ang naloloka sa kadramahan ng magdyowang ito.
May mga nagsasabi kasi na isang malaking kasinungalingan lang ang sinasabi nilang sila pa rin dahil mas marami ang naniniwala na inutusan lang daw ni Cristine si Rayver na sabihing sila pa rin, pero ang totoo raw ay matagal na silang hiwalay.