Mega ‘naiyak’ dahil sa grabeng katabaan sa TV: Sobrang daya!

SHARON CUNETA

SHARON CUNETA

Ano ba naman itong si Sharon Cuneta, panay ang reklamo sa buhay.

Just recently, ang flat screen naman ang napagdiskitahan niya. Yes, ang nananahimik na flat screen ang kanyang sinisisi sa malaki niyang projection sa TV every time na aapir siya sa telebisyon.

“Nagulat ako kasi flat screen ang TV namin sa bahay, so grrrrrr gusto ko isumpa ang nag-imbento niyan at nakakapunggok at lapad! Hahahahaha joke! Pero nakakapunggok at nakakalapad talaga! Lalo na sa aming mga nagpapapayat pa lang, nakakawala ng inspirasyon! Hahahahahaha! Joke joke joke!!! Thank you so much again for watching ?#?

YourFaceSoundsFamiliar last night! Mamaya ulit!” post ni Ate Shawie sa kanyang Facebook account.

And to prove her point, she posted two photos, a screengrab of her apprearance on TV as Adelle and a shot inside her dressing room with her make-up artist, with this caption: “Eto ang ebidensiya ng effect ng flat-screen TV sa nananahimik na taong nagda-diet! Hahahahahaha! Photo#1 from a flatscreen TV. Photo #2, in person in my dressing room with Peachy my make-up artist, and Jeff Aromin my hairdresser! Hahahaha! Andaya! Huhuhu.”

Read more...