NAPAPAYAG mag-pose ng nakahubad ang Kapuso actress na si Max Collins sa isang men’s magazine dahil gusto niyang i-challenge ang kanyang sarili sa mga bagay na hindi niya ginagawa dati.
Maraming na-shock sa biglaang pagbibilad ng katawan ni Max dahil sa mga nakaraang interview sa tisay na aktres ay lagi nitong sinasabi na ayaw niyang mag-pose sa anumang men’s magazine dahil hindi niya kayang ibandera ang katawan in public.
Pero bigla ngang nabago ang ihip ng hangin at na-shock na lang kami nang umoo si Max sa alok ng FHM. Sey ni Max nang makachika namin at ng ilang entertainment reporters sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng GMA 7, biglaan din daw ang naging desisyon niya.
Sey ni Max, naghahanap kasi siya ng something different gayong taon, dapat daw may magawa siya na hinding-hindi pa niya nata-try noon, kaya nang i-offer sa kanya ang 15th anniversary issue ng FHM, go agad siya.
Natanong si Max kung ano ang realization niya matapos maging sexy cover girl, “Hindi ako makapaniwala na, ‘Wow, tumanda na ako!’ Na, ‘Wow, I’m a woman now!’
“It’s about time, kasi for the longest time, I’m really insecure about myself and about my weight issue. I guess, it’s about time to just move on and get out of that. Kahit anong hitsura mo, you’re still a woman and that automatically makes you sexy.
“May innate sexiness naman ang woman that men do not have. So, you just have to find which part of yourself that you like to enhance and make you feel confident,” paliwanag ng Kapuso leading lady na napapanood araw-araw sa afternoon series ng GMA na Kailan Ba Tama Ang Mali? opposite Geoff Eigenmann.
Inamin din ng dalaga na kung minsan ay ma-insecure siya sa kanyang katawan at takot na takot siya ngayong tumaba, “Kasi, ever since, medyo chubby ako. Saka big bones talaga ko, hindi talaga ako payat. But, I guess, now I realize and appreciate that I represent women na aren’t skinny as other girls.”
Samantala, pagkatapos nga niyang magpa-sexy sa magazine, tiniyak ni Max na mas magiging daring na siya sa mga susunod niyang proyekto, “Yes, bolder Max Collins, more aggressive, and siguro older or mature.”
Pero aniya, tatanggap lang siya ng mature roles kung maganda talaga ang tema, “Depende sa project. Ayoko nang magsabi ng ‘no’ kasi nagsabi ako ng ‘no’ before, and then, nandito na ako. Siyempre, depende sa project. “Kung worth it talaga siya and maganda yung project, then I’m willing naman.”
At siyempre, may limitasyon pa rin ang gagawin niyang pagbibilad ng katawan, “I do set a limitation. Kung hindi siya necessary, why would I do it? But I think, yun nga, kung maganda ang project, I have to think about it.”
Sa ngayon ay walang time sa lovelife si Max, hanggat maaari rin ay ayaw niya munang mag-entertain ng suitors dahil gusto niya talagang matutukan ang kanyang career. Kaya sorry na lang guys sa mga nagpaplanong manligaw kay Max. Wait na lang kayo ng tamang panahon.