Kris nauntog na: goodbye, Ate Guy!

KRIS AQUINO AT NORA AUNOR

KRIS AQUINO AT NORA AUNOR

Nanggagalaiti ang mga tagahanga ni Nora Aunor sa mga kababayan nating namba-bash sa kanilang idolo sa social media.

Palagi namang ganu’n ang mga Noranian, hanggang sa panggagalaiti lang naman ang kaya nilang gawin, dahil kapag may ipinalalabas namang pelikula ang kanilang idolo ay sumesemplang sa takilya.

Nagkakaisa ang magkakatropang reporter nu’ng minsan sa pagsasabi na sana, bago magtungayaw ang mga tagahanga ng Superstar, ay ayus-ayusin muna nila ang pagsuporta sa kanilang idolo kapag meron siyang pinagbibidahang proyekto.

Nakaladkad na naman ang pangalan ng Superstar dahil sa lantaran niyang pagpapahayag na bumaba na sa puwesto ang Pangulong Noynoy Aquino. Hindi raw alam ni P-Noy ang kanyang mga ginagawa.

Tama na, sobra na, bumaba na raw dapat ang pangulo sa kanyang posisyon at sa Palasyo.

Nawindang siyempre ang marami sa mga pinagsasabi ng Superstar. Pero si Kris Aquino na nangako pa naman ng pambayad sa kanyang plane ticket papuntang Boston para sa pagpapaopera ng kanyang lalamunan ay deadma lang.

Ang tanong ngayon—itutuloy pa kaya ni Kris ang pagbibigay ng pamasahe kay Nora Aunor papuntang Amerika?

Ngayon siguro ay nauntog na sa katotohanan ang aktres-TV host, no more na, dahil inuupakan pa ni Nora Aunor ang brother niya.

“Nakakaloka talaga si Nora, kahit ano na lang, pinapasok niya. Mula kay Marcos, kay Erap, kay GMA hanggang ngayon kay P-Noy, kontra siya nang kontra! Karirin ba?” natatawang pagpansin ng isa naming kausap.

Read more...