Vandolph muling naaksidente

MULING naaksidente ang aktor na si Valdolph Quizon, anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy kahapon ng umaga sa bisinidad ng Ninoy Aquino International Airport (Naia) sa Pasay City.
Sinabi ng Parañaque Police na nawalan ng kontrol ang sports utility vehicle (SUV) ni Quizon at bumangga sa isang motorsiklo ganap na alas-8:30 ng umaga.
Sa isang panayam, sinabi ni Sonny Milla, ng Parañaque traffic bureau na agad namang dumating ang mga imbestigador matapos ang aksidente.
Base sa ulat sa radyo, hindi naman nasaktan si Quizon.
Noong 2001, malubhang nasugatan si Quizon, samantalang nasawi naman ang kanyang kasintahan matapos bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa Pangasinan.

Vandolph Quizon

Vandolph Quizon

Read more...