Pagbuburles ni Maja sa TV trending worldwide

MAJA SALVADOR

MAJA SALVADOR

Impressive naman ang napanood naming pilot telecast ng seryeng Bridges Of Love sa Dos.

Hanep sa action mode ang drama series. Mararamdaman mo agad na “lalaking-lalaki” ang direktor nito at ang ilang nagpapatakbo sa serye dahil nakuha agad nila ang astig look ng isang magandang soap opera.

Sa pagpapakita ng mga eksena nina Jericho Rosales at Paulo Avelino, alam mong malalim ang paghuhugutan ng relasyon nila as lost brothers. Then nag-back-story ito nu’ng mga bagets sila na ginampanan ng mahuhusay din na sina Bugoy Carino at Izzy Canillo hanggang maging sina Jairus Aquino at Gray Fernandez.

And this early ay papupurihan na namin ang casting nito as we see the future Edu Manzano (ang umampon sa karakter ni Paulo) na intensely-played by Baron Geisler in his younger years.

Maganda rin ang casting nina Jason Abalos at Desiree del Valle bilang mga parents nina Echo at Paulo, pati na nina Malou de Guzman at Janice Jurado.

At siyempre, aabangan din natin kung anong atake naman ang gagawin nina Maja Salvador at Carmina Villaroel sa kanilang mga karakter na sinasabing napaka-challenging din para sa dalawang aktres.

Pero ito ang latest, nag-trend worldwide ang pagsasayaw ni Maja as Mia sa serye nu’ng isang gabi, bilang bar dancer. Ito rin yung eksena kung saan inoperan ni Paulo si Maja ng pera kapalit ng ibibigay niyang kaligayahan dito. Pero hindi ito tinanggap ni Mia saying na hindi siya prostitute.

Ilang minuto lang matapos ang nasabing eksena, usap-usapan na sa social media si Maja, at isa nga sa mga nangunang trending topic sa Twitter ay ang official hashtag ng nasabing episode na “#BridgesOfLoveTheStarDancer.”

Gabi-gabing napapanood ang Bridges of Love pagkatapos ng Forevermore at bago mag-Aquino & Abunda Tonight.

Read more...