Paliwanag ni PNoy sa Mamasapano kulang

KULANG ang paliwanag ni Pangulong Aquino kaugnay ng Mamasapano incident kung saan namatay ang 44 miyembro ng Special Action

Slain SAF

Slain SAF

Force, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Pero hindi pabor ang mas marami na magbitiw si Aquino bilang pangulo ng bansa.
Sa tanong ng Pulse Asia kung ‘sapat ba o hindi sapat ang paliwanag ng pambansang administrasyon, partikular ni Presidente Aquino, tungkol sa naganap na operasyon sa Mamasapano?’ sinabi ng 79 porsyento na hindi sapat at 10 porsyento ang hindi sapat. Wala namang masabi ang 11 porsyento.
Ayon sa 91 porsyento nakabasa, nakarinig o nakapanood na sila ng tungkol sa naganap na bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.
Alam naman ng 99 porsyento ng mga Filipino ang tungkol sa insidente at isang porsyento lamang ang hindi.
Hindi naman sang-ayon ang 79 porsyento sa hindi pagdalo ni Aquino sa arrival honor ng mga nasawing pulis. Ang sang-ayon sa kanya ay 10 porsyento at ang hindi masabi ay 11 porsyento.
Sa kabila nito, hindi naman pabor ang 42 porsyento na magbitiw si Aquino sa pagkapangulo (34 disagree, 9 very much disagree) at 29 porsento ang pabor (6 very much agree, 22 agree). Hindi naman alam ng 28 porsyento kung pabor sila o hindi.
Ginawa ang survey noong Marso 1-7 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...