Vhong ipinagmalaki ang anak na gumradweyt sa hayskul

vhong navarro
Para kay Vhong Navarro, ang pag-graduate ng kanyang anak ang isa “best gift” na natanggap niya sa kanyang buhay.
Ayon sa host ng It’s Showtime, proud na proud siya sa kanyang anak na si Fredriek na nagtapos nga ng high school sa OB Montessori School.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Vhong ng picture nila ng anak na kuha sa graduation rites nito. Napakasarap daw sa pakiramdam na makita ang kanyang anak na suot ang toga nito at nagmamartsa sa stage para tanggapin ang kanyang diploma.

“Ang sarap ng pakiramdam at isa sa pinakamagandang regalo para sa isang magulang ang maka-graduate ang anak. Hindi nasayang ang hirap at pagod para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak,” ang caption ni Vhong sa ipinost niyang larawan.

Dagdag pa ng TV host-comedian, “Salamat at saludo ako sayo kuya (Fredriek), nakaka-proud ka! I love you so much!” Umaasa naman daw si Vhong na magtutuluy-tuloy ang kasipagan ng kanyang anak sa pag-aaral hanggang sa makatapos ito ng college at magkaroon ng titulo.

Gagawin daw niya ang lahat para masiguro ang magandang kinabukasan ng anak.

Read more...