Paulo natameme, natakot sa resbak ni KC

kc concepcion
Umiwas na si Paulo Avelino na magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni KC Concepcion. Matapos umamin na naging sila ng anak ni Megastar Sharon Cuneta, bigla uling “napipi” ang Kapamilya aktor.

Sa interview ng ABS-CBN kay Paulo sa isang event, ayaw na nitong magkomento tungkol sa relasyon nila ni KC, “It’s a choice to talk about something or not.

I just want to work and inspire people and be known for my body of work rather than issues in my life.” Hindi rin nag-comment si Paulo sa tanong ng press kung ano ang masasabi niya sa mga pamba-bash sa kanya sa social media, lalo na ang akusasyon na ginamit lang niya si KC, pinaasa at pinasakay.

May nagsabi pa nga na pinagplanuhan daw talaga niya ang pagpapaibig kay KC saka iiwan sa ere. Marami ang naghihintay sa panig naman ni KC, sana raw ay magsalita na rin siya kung ano ba talaga ang tunay na nangyari dahil kawawang-kawawa na ang imahe niya sa madlang pipol.

Hindi nga kaya natakot si Paulo na resbakan ni KC kaya bigla siyang natameme? O, baka naman meron siyang ibang planong gawin matapos ang ginawang pag-amin?

Read more...