P15-wage hike aprubado na sa Metro Manila

INIHAYAG ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aprubado na ang P15-umento sa sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ni DOLE spokesperson Nicon Fameronag na inaprubahan ng National Capital Region wage board ang pagtataas ng arawang sweldo para sa mga minimum wage earners.

Mangangahulugan ito na aabot na sa P481 ang minimum wage para sa non-agricultural at P444 naman para sa agricultural workers sa Metro Manila
Dismayado naman ang Trade Union Congress of the Philippine na naghain ng P136 wage increase.
Sinabi ni TUCP spokesman Alan Tanjusay na hindi katanggap-tanggap ang P15 dagdag sahod dahil hindi umano ito sapat upang kilalanin ang nagagawa ng mga mangagawa sa pag-usad ng ekonomiya.
“Is this how much the Department of Labor and Employment, the Department of Trade and Industry and the National Economic Development Authority—the majority members composing the Wage Board— rewards Filipino workers who contributed to improve and sustain the country’s high economic growth under the Aquino administration for so many years?” tanong ni Tanjusay.
Lalo umanong pinalala ng desisyon ng Regional Wage Board-NCR ang puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Hinamon ni Tanjusay ang RWB na ipakita kung papaano sila nakarating sa P15 dagdag.

peso-coin

Read more...