Bawal ang mga bata sa Araneta concert ni Vice Ganda

vice ganda
Bawal sa mga bata ang upcoming concert ni Vice Ganda na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Mayo titled “Vice Gandang Ganda Sa Sarili sa Araneta Eh di Wow.”

Mismong ang TV host-comedian na ang nagsabi na R-13 (rating) ang magaganap sa kanyang next major concert na magiging bahagi ng kanyang 15th year celebration sa showbiz – ibig sabihin hindi pwedeng manood ang mga batang edad 12 pababa.

Sa Gandang Gabi Vice noong Linggo in-announce ng komedyante ang ibinigay na rating sa kanyang show, “R-13 po ito kailangan 13 years old kayo pataas para makapanood kayo ng concert ko.”

Read more...