HINDI man diretsahang inamin ni Gerald Anderson, pero halatang apektado rin siya sa mga napapabalitang nakakatanggap daw ng death threats ang kanyang rumored girlfriend na si Sarah Geronimo.
Ayon sa natatanggap naming chika, ang mga pananakot daw na natatanggap ni Sarah ay dahil sa pagiging close nila ni Gerald.
May mga fans pa rin daw kasi ang aktor na hindi pa rin matanggap na nagkakamabutihan na sila ng Pop Princess.
Kabilang na nga diyan ang ilang Kimerald na patuloy daw na umaasa na magkakabalikan sila ni Kim Chiu.
“Siyempre po, medyo affected din po ako sa balitang ‘yan.
Pero sabi ko nga, napagdaanan ko na yan. Para sa akin huwag masyadong mag-dwell sa ganu’ng klaseng threat sa ganu’ng klaseng sitwasyon.
I guess by now expected na rin kahit ayaw natin, siguro sa ngayon wala tayong magagawa,” pahayag ni Gerald.
Nakikiusap din si Gerald na sana’y matigil na ang mga ganitong issue, lalo na ang death threats dahil buhay na raw ang pinag-uusapan dito.
Ayon pa sa hunk actor, hindi pa nila napag-uusapan ni Sarah ang tungkol sa banta sa kanyang buhay.
Kamakailan ay inamin nga ni Sarah na inspirasyon niya ang aktor, si Gerald daw ang lalaking pinakalamapit ngayon sa kanya.
Kaya ang naging tugon ni Gerald, “Wow! Like I have said galing din sa akin yan na open din ako na sobrang espesyal talaga siya para sa akin at grabe yung inspirasyon na binibigay niya sa akin.
Kahit na minsan hindi kami nagkakasama pero just thinking about her napapangiti ako.”
Pero kahit na nga mas marami ang naniniwala na sila na ni Sarah, sinabi ni Gerald na wala na sila sa stage ng “getting-to-know-you”, mas mataas na raw ang level ng relasyon nila doon,
“So yung feeling na ito is something that I would cherish, no pressure.
Walang pressure sa kanya, walang pressure sa akin, we are just happy, happy kami.
“Lumampas na rin kami du’n sa getting-to-know-each-other pero mas gusto pa namin makilala ang isa’t isa.
Sobrang napakaswerte ko talaga na nakilala ko siya,” chika pa ng binata.
Sa interview naman ni Gerald sa ABS-CBN online, kinuha ang kanyang komento tungkol sa sinabi ni Sarah na grabe raw ang ipinapakita niyang paggalang at respeto sa mga magulang ng TV host-singer-actress.
“Alam mo actually nakakagulat yan kasi unang-una yun ang tamang paraan.
Pangalawa sobrang marespeto talaga ako sa Nanay niya, sa Tatay niya, sa buong pamilya niya.
“I am just really very thankful for everything na nakilala ko siya na nakapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa kanya, sobrang thankful ako dun.
Si Sarah marami po siyang goals sa buhay niya, marami pa siyang gutsong gawin and para sa akin I will try my best na suportahan siya and that all I can ask for,” pahayag pa ng hunk actor.