Mega sinisi ang flat screen TV sa sobrang katabaan

sharon cuneta
Marami namang naaliw sa naging comment ni Sharon Cuneta tungkol sa flat screen TV na usung-uso ngayon.

Ayon kasi kay Mega, naiinis siya sa nagpauso nito dahil grabe raw ang itinataba ng isang artista kapag napapanood sa flat screen TV.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ng mensahe si Mega tungkol dito, aniya, “Nagulat ako kasi flat screen ang TV namin sa bahay, so grrrrrr gusto ko isumpa ang nag-imbento niyan at nakakapunggok at lapad! Hahahahaha joke! Pero nakakapunggok at nakakalapad talaga!”

Hirit pa ni Sharon hindi raw ito magandang inspirasyon para sa mga tulad niyang kinakarir ang pagpapapayat.

Read more...