Nawalan na ng gana kay misis

Sulat mula kay ‘Zoren’ Magsaysay st., 

Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
Matagal akong naging OFW sa abroad, almost nine years din. Sa aking pagbabalik ay nagtataka ako kung bakit mabilis tumanda at pumangit ang misis ko. Kaya nang magtalik kami ay parang nawalan na ako ng gana sa kanya. Wala naman akong ibang babae, pero ang inaalala ko lang baka matuto na akong mambabae nito lalo pa nga at hindi na ako ginaganahan pa sa aking asawa. Ayaw ko namang magkasala. Itatanong ko lang kung babalik pa kaya ang dating sigla ng pagtatalik naming mag-asawa? At kung kami na ba ang magsasama habambuhay? Ayaw ko kasing masira ang aking pamilya October 7, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
‘Zoren’ ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Practical Counseling:

Maraming paraan upang muli kang ganahang makipagtalik sa iyong asawa. Una, paalalahanan ang iyong asawa na magpaganda at magpa-sexy muli. Pangalawa, maraming sexual position na maaari n’yong tuklasin para muli kang ganahan sa pakikipagtalik sa iyong misis. Subukan mo ang lahat ng nabanggit na paraan sa itaas upang muling bumalik ang kasiglahang pang-sexual habang katalik iyong asawa. At pang huli, maaari kang kumunsulta sa isang sex therapist upang matulungan ka niya na muling ibalik ang iyong gana sa kama.

Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit wala ka ng gana kay misis hindi pa rin magiging dahilan ito upang mawasak ang inyong pamilya, sapagkat ang nakatakda pang habambuhay na kayong magsasama.

Cartomancy:

Temporary impotency lang ang nararanasan mo sa kasalukuyan, ito ang nais sabihin ng King of Hearts, Ten of Hearts at Five of Hearts, kung saan sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo ay kusa na uling magbabalik ang libog mo kay misis.
Itutuloy

Read more...