Textmate nanghihingi ng cash | Bandera

Textmate nanghihingi ng cash

Pher Mendoza - March 18, 2015 - 03:00 AM

DEAR Manang,
Ako po si Nonoy, 18 years old at nakatira sa Iloilo City. May textmate po ako na malayo sa Iloilo. Naguguluhan ako kasi po ay humihingi siya sa akin ng pera kahit hindi pa naman kami nagkikita. Kailangan ko bang ipagpatuloy ang aming komunikasyon?

Hello Nonoy ng Iloilo City!

Textmate lang nanghihingi na ng cash? Aba, aba huwag ganoon ‘di ba?

Ang tunay na kaibigan nga or katipan ay nahihiyang umutang, manghingi pa sa katextmate lang?

Nonoy, this sounds plain wrong to me.

Huwag basta magtiwala. Napakaraming mapagsamantalang tao na nagte-take advantage sa kapwa nila.

Whatever the reason is, it is not advisable to give money especially to someone you barely know.

Just politely say you don’t have the funds and consistently insist that whatever you have as allowance is just enough.

Walang sobra na pwedeng ibigay.

Check mo kung magbabago ang ihip ng hangin o ang pakikitungo ni textmate sa iyo.

If he or she did, alam na natin ang motibo. Again, ingat ha. Mara-ming ganyan na mapagsamantala.

Ang payo ng tropa:

Hi Nonoy, masyado naman atang mabilis ang iyong ka-textmate, aba! Super hingi agad ng cash ang girl na yun (girl nga ba?).

Hindi pa man din kayo, eh nanghihingi na ng pera. Kapal ng face. Hehehe.

Kung ako sa iyo, prangkahin mo na hindi tama ang kanyang ginagawa. Baka nga hindi lang ikaw ang hinihingian ng pera, marami pa kayo.

Sabihan mo na baka iyan din ang magpapahamak sa kanya kung hindi niya titigilan ang panghihingi ng pera.

So good luck and ingat sa mga taong ganyan.
Ate Jenny

Common sense lang iyan, Nonoy. Niloloko ka ng taong iyan. At marami silang ganyan hindi lang sa mga text kundi maging sa internet.

Una, kakaibiganin ka at sa sandaling naging malapit na kayo sa isa’t isa, unti-unti ka na niyang hihingan nang kung anu-ano.

Minsan di man pera pero yung mga personal na impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng fullname mo, age, address. Tapos susundan na hihingin kung may bank account ka at hihingin ang numero nito at kunwari magpapadala siya sa iyo ng pera. Pero wag ka, nanakaw na niya ang maraming impormasyon tungkol sa iyo na gagamitin niya sa kung anong kriminal na gawain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag bigay nang bigay ng mga personal na impormasyon sa mga hindi kakilala.
Alex ng Sampaloc, Manila
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending