JESSICA SANCHEZ delikado kay PHILIP PHILLIPS sa ‘AI’ finals

Wait! Huwag daw masyadong maging confident si Jessica Sanchez sa face-off nila ni Papa Philip Phillips sa finals ng American Idol bukas.

Mamayang gabi na raw ang pabonggahan ng performances nila and a source told me that Jessica will sing “The Greatest Love Of All” as her final song.

I don’t know yet kung ano ang kakantahin ni Papa Philip.

Basta ang dinig ko lang, grabe ang supportang tinatanggap nito mula sa kanyang milyon-milyong fans worldwide.

“Kadalasan sa mga nananalo sa America Idol ay mga guwapong white Americans na naggigitara. Kaya huwag magpakasiguro si Jessica.

Malakas din ang laban ni Philip dahil consistent ang standing niya sa laban sa simula pa lang.

Never siyang na-bottom three since they started.Kahit sabihin n’yo pang cool na cool lang sa performances niya si Philip Phillips, di pa rin mawawala ang racial discrimination sa Amerika.

“Kahit US citizen si Jessica, the fact na alam nilang may Pinoy blood ito, nandoon pa rin ang pangambang hindi siya pananalunin ng mga Americans dahil malaking sampal sa kanila kapag nanalo si Jessica.

Sana lang ay itodo na ng mga Pinoy ang pagsuporta kay Jessica sa text votes,” anang isang analyst-friend namin sa mga contests tulad nito.

Ako naman, I also wish Jessica well pero from the very start, na in love na ako kay Papa Philip na may sakit pala sa bato and due for operation after ng finals.

Ang running joke ko nga sa mga friends ko, as much as I would like to support Jessica, mahirap palang talikuran ang obligasyon as Papa Philip’s wife?

Ha-hahaha! Grabe na ang ilusyon ko!

Hayaan n’yo, pag yumaman ako, iuuwi ko siya sa Pinas.

Whaaaaaaa!!!

Read more...