Nagpiyesta ang mga mata ng mga beki noong Linggo sa Sunday All Stars! E, kasi nga, game na game sa paghuhubad sa nasabing programa sina Mark Herras at Rocco Nacino.
Tulo-laway ang mga bading nang mag-ala macho dancer si Mark sa Sunday musical show ng GMA, grabe kung gumiling si Mark na ang ganda-ganda na ng katawan ngayon.
Talagang pinaghandaan ng Kapuso actor ang nasabing production number, ha! Akala nga namin, huhubarin din niya ang kanyang pulang pantalon pero binitin niya ang mga manonood.
Pero ang talagang ikinatuwa ng mga bading ay ang production number ni Rocco Nacino na nag-celebrate ng kanyang birthday sa SAS. Wala ring hiya-hiyang nagtanggal ng damit ang aktor at ibinandera ang kanyang abs.
Pero ang pinakamatindi, ang pagbukol ng notes ni Rocco on national TV. Naka-jogging pants kasi ang dyowa ni Lovi Poe at nang tanggalin niya ang suot niyang jacket ay bukol na bukol si junior! Ha-hahaha! Hindi na siguro napansin ‘yun ni Rocco dahil pagod na siya sa ginawang pagsasayaw.
Sabi nga ng isang bading na nakapanood kay Rocco, “Grabe si Rocco! Ang yabang ng ano niya, ha! Sana linggo-linggo may ganu’ng eksena! Ha-hahaha! Ayaw ni Lovi ng ganyan!”
Chika naman isa pa, “Ang swerte ng mga nasa live audience, up close and personal encounter! Ha-hahaha!”