Mariel 8 linggo na palang buntis, pero nakunan

mariel rodriguez

MALUNGKOT na malungkot ngayon si Mariel Rodriguez dahil sa pagkawala ng una nilang baby sana ni Robin Padilla. Ayon sa TV host-actress walong linggo na pala siyang nagdadalang-tao, pero wala raw heartbeat ang sanggol kaya hindi ito na-develop.

Ito na sana ang magiging first baby nila ni Robin matapos silang magpakasal limang taon na ang nakararaan.
Nagsimulang magtanong ang supporters at followers nina Mariel at Binoe tungkol sa pinagdaraanan ng TV host-actress matapos itong mag-post ng ilang mensahe sa kanyang Instagram at Faceboob account noong March 13 and 14.
Sa una niyang post ay ang kanyang larawan na tila umiiyak na may caption na: “Not all days are happy… some days are sad. #byecutiepie!”
Sinundan pa ito ng, “Having a sad day doesn’t mean its the end of the world. sh*t really does happen but today i felt so much love from my family and concerned friends.
i am grateful because i am not alone during this turbulent phase in my life i have my sister, my stepdaughters, my friends and my husband. one day the sun will shine again. ?? #byecutiepie!”
Kanina nga ay nakausap namin si Mariel sa telepono at ramdam namin ang labis niyang kalungkutan. Sabi nga niya sa amin, “Thank you Reggs sa concer mo, ha. Kaibigan kang tunay. Salamat!”
Basahin sa BANDERA ang kabuuan ng aming panayam kay Mariel tungkol sa pagkawala ng baby nila ni Robin.

Read more...