WALA raw bukambibig ngayon ang kontrobersiyal na kongresista ng Saranggani na si Manny Pacquiao kundi ang pangalan ni Jessica Sanchez in many of his interviews abroad.
Maliban daw sa healing power nito, hinuhulaan na raw niyang si Jessica Sanchez ang magiging winner sa American Idol.
Sinabi ni Pacquiao nu’ng 10 na lang daw ang finalists sa American Idol, agad-agad daw nitong nasabi na si Jessica ang magiging winner.
Saan? Parang wala naman kaming narinig o nabasang may sinabi siyang ganoon.
Kung kailan dalawa na lang sila ni Phillip Phillips ay ngayon lang namin naringgan si Pacquiao na may ganoong kiyemeng hula, ‘no!
Meron pa nga siyang dalawang drama about Jessica – na gusto raw niyang pumunta sa finals ng American Idol para magbigay suporta sa dalagitang singer (iyon nga lang ay hinarang daw ito at hindi pinayagang makapasok, how true?) at yung sinasabi niyang maglalaan siya ng budget para ibili ng text votes para matalo si Phillip Phillips.“Echoserang frog naman yang Pacquiao na iyan, eh.
Alam niya kasing sobrang na-in love ang mga Pinoy, pati na ang ibang foreigners kay Jessica, kaya ginagamit niya ang kasikatan ng bata para makabawi siya sa paglapastangan sa gay community.
Halata namang may gamitan factor, e. Kung ang Bible nga ay gamit na gamit niya, si Jessica pa kaya.
“Kasi, kung hindi niya ginagamit ang Bible, dapat sana’y tumigil na siya sa pagboboksing dahil alam naman niyang bawal sa batas ng Diyos ang manakit ng kapwa.
Kita n’yo, di ba kapipirma na naman niya ng dalawang boxing bout-contract?
Iyon ba ang sinasabi nilang maka-Diyos at nagbabasa ng Bibliya?” anang isang kaibigan naming nabubuwisit na sa mga drama ni Pacquiao.
Walang masama kung nagpapahayag ngayon ng suporta niya kay Jessica si Manny kaya lang, tiisin niya ang kaliwa’t kanang tuligsa dahil he is coming from a huge controversy on gay marriages na ikinagalit ng maraming members ng third sex worldwide.
Halatang nagpapabango si Pacquiao kaya bigla nga siyang bawi sa kanyang unang pahayag, di ba?
Na kesyo hindi siya galit sa mga bakla dahil marami raw siyang mga kakilala’t kamag-anak na bakla rin.
Not to mention his former gay friend named Ogie Mendoza raw of Sampaloc, Manila na siyang nagtustos sa mga pangangailangan niya when he was still a nobody.
In fact, some friends in the know said na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin itong si Ogie Mendoza ng ipinangako raw sa kanya noon ni Pacquiao na kapag siya’y yumaman ay ipagpapatayo siya nito ng parlor. How true?
“Nakakatakot nga for Jessica itong lantarang pagpahayag ni Pacquiao na susuporta siya sa bata, eh.
Baka makaapekto pa ito kay Jessica dahil hindi naman joke yung galit ng mga bading sa Amerika kay Pacquiao.
Baka the more na hindi nila iboto ngayon si Jessica dahil galit sila kay Manny.
Sana ay huwag naman, or sana ay huwag na lang magpaka-OA si Pacquiao sa mga drama niya kay Jessica.
Kaya tuloy nasasabihan siyang ginagamit lang niya ‘yung bata para bumango uli ang name niya,” dagdag pa ng kausap natin.