Nagbenta ng ilang ari-arian si Sharon Cuneta nu’ng mamatay ang kanyang Mommy Elaine Cuneta. Inamin ni Mega na ilan sa mga mamahalin niyang mga kagamitan tulad ng bag at alahas ay naibenta na niya para sa ilang gastusin, pero nilinaw niya na okay na okay pa rin ang kanyang financial status.
Sa interview ng The Buzz, sinabi rin ni Sharon na naghati sila ni KC sa mga ginatos sa burol at libing ni Mommy Elaine.
Samantala, dinenay naman ni Sharon na hindi maayos ang relasyon nila ni KC, pero inamin niyang hindi masyadong open sa kanya ang anak lalo na pagdating sa lovelife.
Minsan nga raw malalaman na lang niyang hiwalay na si KC sa boyfriend nito. Pero sey ni Mega hindi na siya na-shock na break na ang anak at si Paulo.
MOST READ
LATEST STORIES