HINDI umano dapat hayaang mapaglaruan ng mga bata ang mga ref magnet at cord holder dahil marami sa mga ito ang nagtataglay ng toxic chemical na lead.
Ayon sa EcoWaste Coalition sinuri nila ang ilang animal fridge magnets at cartoon-embellished cord holders at nagpositibo ito sa lead na inihalo umano sa pinturang ginamit dito.
Bumili ng anim na sample na refrigerator magnet na tig-P10 at 15 sample ng cord holders na tig-P35 ang halaga sa mga street vendor sa Divisoria, Manila.
Sinuri ang mga ito ng portable X-Ray Fluorescence device, at lumabas na anim sa mga animal magnet ay positibo sa lead na umaabot sa 18,100 parts per million, lagpas sa 90 ppm na pinapayagan.
Nagpositibo rin ang 15 sample ng PVC cord holder at umabot ang pinakamataas sa 5,616 ppm. May masamang epekto sa utak at nervous system ang lead na maaaring makain o masingot kapag naging alikabok.
Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste, bagamat hindi laruan ang mga ref magnet at cord holder, maaari itong makuha ng mga bata at mapaglaruan.
“Kids will find these items very attractive and innocently play, bite and chew on them, directly exposing them to lead hazard via ingestion.”