Robin, Mariel sa ibang bansa na gagawa ng baby

robin padilla

IN fairness, talagang hiyang na hiyang si Robin Padilla sa pag-aalaga ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Sa edad niyang 45, kitang-kita pa rin ang tikas sa kanyang tindig, sabi nga ng kanyang supporters, habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiging yummy at delicious.

Sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Ascof Forte Lagundi, ipinagmalaki ni Binoe na mismong ang kanyang doktor na ang nagsabi na dahil sa organic living na ginagawa nila ngayon ni Mariel, ay parang 17 years old lang ang kanyang katawan.

Ilang taon na rin nilang pina-practice ng kanyang misis ang organic lifestyle kung saan puro healthy food lang ang kanilang kinakain, kaya naman bihirang-bihira silang magkasakit.

Sa katunayan, never pa raw siyang naospital simula nang maging extra conscious siya sa kanyang kalusugan. Ito rin ang dahilan kung bakit siya ang kinuhang bagong celebrity endorser ng Ascof Lagundi, naniniwala kasi ang mga taong nasa likod ng nasabing produkto na perfect si Binoe para sa kanilang kampanya tungo sa malusog na komunidad.

“Napakarami ko nang dinaanan sa buhay ko at napatunayan ko naman na naka-recover ako. At malaking bahagi nu’n ‘pag organic po. Palagay ko, yun ang isang message natin sa mga kaeded ko na hindi pa huli ang lahat para ayusin ang kalusugan.

“Hindi po masama ang mag-invest sa kalusugan. ‘Yun ang unang-unang dapat natin binibigyan ng investment. Dahil ‘yan ang isang bagay na masasabi nating tunay na kayamanan, yung ating kalusugan,” ani Binoe.

Inamin ni Robin na hindi muna niya tinanggap ang offer ng Pascual Laboratories para maging endorser ng Ascof Lagundi, dahil inakala niyang isa itong synthetic product, talagang puro herbal medicines lang daw ang ginagamit nila ni Mariel ngayon.

“Nu’ng unang pinitch sa akin ‘to, sabi ko ayaw ko ng mga gamot kasi hindi ako umiinom ng gamot kasi kami ni Mariel organic (living)…pero nu’ng nakita ko na organic talaga pumayag na agad ako,” chika pa ng action star na pinuntahan pa mismo ang farm ng Pascual Laboratories para makita kung paano ginagawa ang nasabing produkto.

Hirit pa ni Robin, “Marami po tayong gamot na maiinom na available over-the-counter na gagamutin ‘yung sakit mo pero sisirain naman ‘yung liver mo.”

Ayon naman kay Ayne Rili, Ascog’s senior brand manager, “‘Yung Chairman ng aming company, si Dr. Abraham Pascual, ay may advocacy na mag-develop ng natural products kasi marami talaga sa Philippines na halaman na may medicinal properties so it’s his advocacy to develop products that will be good for the consumers.

We find that we are aligned with Mr. Robin Padilla’s own advocacy kaya naman siya ang kinuha namin as endorser.”
Huling hirit pa ng mister ni Mariel, “Meron tayong moral obligation sa mga taong naniniwala sa atin na dalhin natin sila sa tama.

Ito ang paraan natin to give back, ang katotohanan. Itong organic medicine is the best na maibibigay natin sa tao.”
Samantala, marami pa rin ang nagtatanong kung kailan kaya sila magkakaroon ng anak ni Mariel, ilang taon na rin silang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuntis ang kanyang asawa.

Sayang at hindi na nabigyan ng chance ang entertainment press na makachika si Binoe after ng presscon dahil hindi na ito pinayagan para sa one-on-one interview.

Pero kung itutuloy nga ni Binoe ang balak nitong tumira na sa ibang bansa at lisanin nang tuluyan ang Pilipinas dahil sa matinding pagkadismaya sa mga nangyayari sa bansa, baka doon na sa abroad na sila makabuo ng baby ni Mariel.

Read more...