Marian kay Karylle: Good vibes na lang tayo!

karylle
Good vibes lang ang gusto ni Marian Rivera pagkatapos siyang pakasalan si Dingdong Dantes noong makausap ng entertainment press sa launching ng kanyang beauty scents collection for Bench, ang Inner Beauty.

Ayaw nang patulan ni Marian ang isyu tungkol sa pagiging two-timer daw ng mister niya. Ito’y matapos ngang magsalita si Karylle na may ex-BF siyang nanloko sa kanya. Ipinalalagay ng marami na si Dingdong ang tinutukoy ni Karylle.

Back-to-work ulit si Marian after ng wedding nila ni Dingdong at ilang buwang pagha-honeymoon. We’d like to think na ang launch ng Inner Beauty for Bench perfume ni Marian ang kanyang first public appearance after ng celebrated wedding nila ni Dingdong.

Sa ngayon, hinihintay naman ng fans ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Marian. Sa launch ng pabango ni Marian, nakausap namin ang PR head ng Bench na si Jojo tungkol sa pinag-usapang billboard ng dalawang lalaki para sa top clothing line sa bansa sa may bandang Guadalupe in line with the celebration ng Valentine’s day that time.

Pero ngumiti lang siya sa amin.Nawala na ang naturang billboard but it has nothing to do sa iba’t ibang reaction sa social media at ng publiko. May certain period of time lang talaga ‘yung billboard doon at noong natapos ay tinanggal na nila.

Ang billboard ng mag-inang Gretchen Barretto at anak na si Dominique, ang mag-asawang Richard and Lucy Gomez, ang mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Daza at si Solenn Heusaff with her soon-to-be-husband ang kasalukuyang nakalagay sa Guadalupe.

But just the other day, napansin namin na wala na ang malaking billboard nina Solenn doon.We heard na supposed-to-be ay kabilang din sa mga nakahilerang malalaking billboard sa Guadalupe ang picture ng mag-inang Kris Aquino at Bimby.

Kinumpirma naman sa amin na talaga raw may billboard sina Kris at Bimby na ilalagay sa Guadalupe. Hindi raw agad natapos ‘yung billboard kaya hindi nila naisabay. But once magawa raw ‘yun, ilalagay din nila sa EDSA Guadalupe.

Read more...