Amalia nagalit nang malaman kung saan naka-confine si Liezl

amalia fuentes
Paggising ko kahapon ay dalawang deaths ang ibinalita sa akin. Una siyempre ay ang peaceful death ng mahal nating erstwhile actress cum MTRCB officer na si Liezl Martinez, butihing asawa ni kaibigang Albert Martinez at anak ng mahal kong si Tita Amalia Fuentes.

Liezl died in her sleep at 6:15 a.m. yesterday sa kaniyang hospital bed.  Matagal nang na-diagnose ng breast cancer si Liezl, 2008 pa.

Pero after nitong maka-recover kahit paano sa kaniyang sakit, na-diagnose naman ito to have lung cancer. Pabalik-balik yata sa hospital si Liezl these past months pero ang pinakahuli niyang pagpapa-confine ay last week lang daw.

Someone whispered to me na nagalit daw si Tita Nena (Ms. Amalia Fuentes) nang makita niya si Liezl sa isang maliit na kuwarto lang sa hospital.

Katwiran daw kasi ni Liezl ay maliit na procedure lang naman daw kasi ang gagawin sa kaniya kaya they opted to get a small room lang. Alam mo naman siyempre si Tita Nena, nanay iyan at gusto ay the best para sa kaniyang anak na may sakit.

By this time ay nasa Arlington Chapels na siguro ang mga labi ni Liezl. Naiwan niya ang kaniyang mga anak na sina Alfonso, Alyanna and Alissa.

Our deepest condolences to the whole family for the sudden demise of Liezl Sumilang Martinez. Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.

Read more...