Dingdong, Marian susugod sa Davao
Bigatin ang celebration ng Araw ng Dabaw ngayong taon dahil ang Kapuso Network, ipadadala ang ilan sa mga pinakamalalaking artista nito sa nasabing fiesta!
Sisimulan ‘yan ng unforgettable duo nina Kapuso drama king Dennis Trillo at ng in-demand leading man na si Tom Rodriguez. Magkasamang makikisaya sa mga Dabawenyo ang dalawa sa Gaisano Mall Atrium para sa isang Kapuso Mall Show simula 4 p.m..
Kinabukasan, March 16, Lunes, magpapakilig naman ang Kapuso primetime king and queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Activity Center ng Abreeza Mall, 3 p.m..
Kahit pa busy ang dalawa sa kani-kaniyang primetime series na Pari ‘Koy at The Rich Man’s Daughter ay hindi nila palalampasin ang pagkakataon para lumipad pa-Davao at pakiligin ang kanilang fans.
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ay bibida sa kanyang Kapuso Fans’ Day, 5 p.m. sa The Annex ng SM City Davao. Hindi lang live na bibirit si Regine, marami ring exciting games at mga sorpresa ang naghihintay sa mga manonood.
Ang highlights ng Araw ng Dabaw ay mapapanood Let’s Fiesta TV Special na ipalalabas ngayong April 19 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod at CDO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

