Kean Cipriano umamin na: ‘SINUSUPALPAL’ ni Alex

alex gonzaga
NAKA-JACKPOT talaga ang singer-actor na si Kean Cipriano sa pagkakasali niya bilang ka-love triangle nina Alex Gonzaga at Matteo Guidicelli sa bagong Primetime Bida series ng ABS-CBN na Inday Bote na magsisimula na sa Lunes.

In fairness, napakalaking opportunity nito para sa acting career ng bokalista ng Callalily dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida siya sa isang primetime show ng Dos.

Ibig sabihin lang niyan, malaki ang tiwala sa kanya ng mga bossing ng network bilang leading man.“Oo naman, flattered ako. Kasi kapag primetime, ibig sabihin nito, you feel relevant.

Alam mong maraming taong nanonood and they gonna see you. Kaya I just wanna thank them for giving me this opportunity (to) enhance and mold my acting…ibang experience kasi ito, kasi teleserye, e, at iba siya sa pelikula,” pahayag ni Kean sa nakaraang presscon ng Inday Bote.

Puro papuri naman ang ibinigay ng binata sa leading lady niya sa serye na si Alex, “Sobra-sobra iyong respeto ko kay Alex. Kasi bukod sa magaling siya sa ginagawa niya, maayos siyang tao, maayos siyang kausap, maayos siyang katrabaho, maayos siyang kaibigan.

“Iyong may respeto and I’m sure na may kasama na rin iyon na, ‘Oy, magkaibigan tayo, magkasama tayo dito!’ Kasi kapag kasama ko siya, mayroon (kaming) dynamics at feeling ko, iyong rhythm naming dalawa ay nagdya-jive together.

“Iyon siguro ang nagpapasaya sa lahat, kasi pareho kaming makulit, e. We talk a lot and ang kagandahan diyan, si Cath (Cathy ang real name ni Alex) ay napapatahimik niya ako, e.

She has her own way to make you turn around and listen to what she says. “Iyong pakiramdaman mo na when she talks, everybody listens.

Iyong sense of humor naming dalawa ay parehas, dahil magkapareho rin kami ng wavelength,” mahabang paliwanag ni Kean.
Espesyal din daw ang relasyon nila ni Alex, “Ever since kasi, naging part ako ng journey niya.

Nagkatrabaho kami as a loveteam at nasaksihan ko iyong pag-grow niya as a person and as an artist. It’s kinda fulfilling pala na maging part ka ng success ng isang tao that means so much to you.”

Ang Inday Bote ang papalit sa nagtapos nang Bagito sa Primetime Bida bago mag-TV Patrol, mula sa Dreamscape Entertainment at sa direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

Makakasama rin dito sina Aiko Melendez, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at Alonzo Muhlach.

Read more...