Liezl Martinez pumanaw na; mundo ng Showbiz nagluksa

liezl martinez

SUMAKABILANG-BUHAY na ang dating aktres na si Liezl Martinez sa edad na 47 dahil sa sakit na breast cancer.

Ilang taon ding nakipaglaban si Liezl sa kanyang karamdaman, ngunit kaninang umaga, namaalam na nga ang asawa ni Albert Martinez. Si Liezl ay nag-iisang anak ng mga veteran stars na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.
Ayon sa pamilya Martinez, noong March 9 pa naka-confine sa ospital si Liezl at dito na rin siya binawian ng buhay. Nakatakdang iburol ang kanyang mga labi sa Arlington.
Narito naman ang official statement ng pamilya ni Liezl: “Anna Lisa ‘Liezl’ Sumilang Martinez, peacefully passed away in her sleep at 6:15 this morning, 14th of March 2015. She was 47.
“Liezl is surrounded by her beloved husband, Albert; precious children, Alyanna, Alfonso, and Alyssa; loving mother, Amalia; father Bobby; and her relatives at this time of love and grief.
“Thank you for your continued prayers. The family shall be sharing the funeral announcement soon.” Magdiriwang sana ng kanyang 48th birthday si Liezl sa March 27, at  nakaplano na rin sana ang kanilang biyahe sa Hawaii ngayong taon.
Kasabay nito, bumuhos din sa social media ang pakikisimpatya at pakikiramay ng mga kaibigan nina Liezl at Albert sa loob at sa labas ng showbiz. llan sa mga unang nakiramay sina Coney Reyes, Lauren Dyogi, Jim Paredes at marami pang iba.
Nagsimula si Liezl bilang child star noong 1971, ang una niyang pelikula ay ang “Portrait of an Angel” na sinunan pa ng “Liezl at ang 7 Hoods” (1971), “Europe Here we Come” (1971), “Pinokyo en Little Snow White” (1972), “Poor Little Rich Girl” (1972), at “Anghel ng Pag-ibig” (1972).
Inilunsad naman siya sa screen name na Liezl nang magdalaga at nagbida sa pelikulang “Ibulong Mo Sa Puso” noong 1984 kung saan nakatambal nga niya ang isa sa mga sikat na matinee idol noon na si Albert Martinez.

Read more...