Judy Ann Santos stays with her manager.
Doing her second leg of promo for the Lactum 100% Panatag campaign, sinulit ni Juday ang buong Sabado sa pagpasyal sa SM Megamall na hindi niya raw madalas mapuntahan maliban sa mga premiere nights.
Bukod sa presscon and question and answer with the audience, she is also doing the SM supermarket round afterwards so, buong araw siya sa SM Megamall.
Also present not just as press and her manager Ka Alfie Lorenzo.
Good timing ito para tanungin ang tsismis na nagkahiwalay na raw ang dalawa and that Juday signed a new contract with ABS na walang pahintulot si Ka Alfie.
Not true raw. Una, Juday stays with her manager. Ikalawa, hindi raw bagong contract ang pinirmahan niya but an extension of her old contract.Nag-pregnancy leave kasi si Juday para ipanganak noon si Lucho and her leave was made the extension of her old contract na alam din ni Ka Alfie at kasama siya sa pagpirma.
Hindi alam ni Juday kung saan ito nanggaling at siguro hindi niya alam ang full tsismis na ang manager daw ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer ang idinadawit.
To think walang kaaalam-alam din si Noel about this, ha.