Coco nagpapatayo na ng bahay para kay Julia

COCO MARTIN AT JULIA MONTES

COCO MARTIN AT JULIA MONTES

How true is the rumor na talagang magdyowa na sina Coco Martin at Julia Montes? Kasi a very reliable source (not my Pacquiao source siyempre, iba naman ito dahil showbiz na ito, ‘no! Ha-hahaha!) whispered to me na pinatatayuan daw ni Coco ng bahay si Julia sa loob ng subdivision kung saan siya nakatira.

Parang hindi naman ako naniniwala sa ganitong item, pero talagang ipinagdiinan ng aming source na totoo raw ito.
Talaga? Bakit naman niya patatayuan ng bahay si Julia? Hindi pa naman niya asawa ito or what. Parang hindi naman magandang tingnan na halimbawa ay girlfriend pa lang ni Coco si Julia ay bibilhan niya agad ng bahay?

Hindi naman sira-ulo siguro si Coco para gumastos ng ganoon kalaki for a girlfriend – puwedeng magregalo siya ng anything material pero hindi naman siguro bahay. Hindi naman siya DOM, ‘no!

Honestly, kahit reliable nga itong source ko, mahirap paniwalaan ang isyung ito dahil unang-una, hindi pa naman nila inaamin na magsyota na sila; pangalawa, parang imposible namang bibilhan siya o patatayuan agad ni Coco ng bahay dahil hindi pa naman sila mag-asawa.

But you know, sometimes we can be wrong. Matanong nga si Julia. Let’s see. Ha-hahaha!

Read more...