Mommy Dionisia nakipag-break na sa dyowa

DIONESIA PACQUIAO

DIONESIA PACQUIAO

How true is the rumor na break na sina Mommy Dionisia at dyowa niyang bagets?

Kasi raw, malungkot na umalis si Mommy D papuntang US all by herself (kasama siyempre ang ilang bodyguards niya, ha!) pero di raw kasama ang dyowa na ipinagmamalaki niya a few months ago.

Pagdating daw sa States ay left and right ang ginawang pagsa-shopping ni Mommy D with her bodyguards pero di raw talaga namataan ang anino ng kaniyang dyowa. Hindi kaya natauhan na ang guy na ang layo ng age gap nila ni Mommy D? Or baka na-realize niyang hindi pala talaga siya in love sa mommy ni Pacquiao?

Well, ang tanging dala lang daw ni Mommy D ay ang kaniyang rosaryo na tiyak na gagamitin na naman niya para sa kadramahan niya while her son Manny is on the ring. Hay naku, ang masyondang OA sa boxing arena – ano na naman kayang eksena ang gagawin niya? Let’s wait and see na lang, OK?

Read more...