Sarah, Matteo natakasan ang mga ‘bayarang bantay’ ni Mommy Divine

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

KILIG overload ang dala ng dalawang photos na nagpakita kina Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli na magkasamang nanood ng concert ni Ed Sheeran.

The couple was very sweet, talagang halos nakayakap si Sarah sa kanyang boyfriend. At noong naglalakad na sila ay magka-holding hands sila.

We’re not sure kung merong bantay si Sarah when they date or kung naroon si Mommy Divine. Pero parang wala naman ang madir ni Sarah otherwise baka hindi naging ganoon ka-sweet si Sarah kay Matteo, ‘no!

“In fairness nakakakilig tong mag jowang to.”

“Mabuti naman at pinayagan na sila. kilig!”

“Kung yung iba. Travel together ang memories. Ito naman concerts. Lahat yata ng concerts present ang magjowang ere ah. Hahaha!”

“Haha! Natakasan si mommy at ang bayaran niyang mga tagapagbantay!”

The photos dispelled rumors na break na sina Sarah at Matteo.

Actually, in the presscon for Inday Bote where he plays one of the leading men of Alex Gonzaga ay sinabi ni Matteo na hindi sila hiwalay ni Sarah. He was aware that there are rumors that they have reached Splitsville.

Now that they were seen together in Ed Sheeran’s concert ay matitigil na siguro ang maling chismis na nagsasabing break na sila. Mukhang going strong pa rin ang relasyon ng dalawa, ‘no!

Read more...