DEAR Manang,
Ako po si Rea, 24 years old from Pampanga. Isa po akong lesbian. Ask ko lang po, bakit hindi pa po ako nakatatagpo ng tamang babae sa edad ko na ito?
Minsan naisip ko na wag na lang ako makipagrelasyon dahil paulit-ulit na lang akong nasasaktan at naloloko. Ano po ba ang gagawin ko?
Salamat po. God bless.
Rea, Pampanga
Sagot:
Hi Rea, 24 is NOT old ha… Napakabata mo pa para isipin na walang babaeng magkakagusto sa’yo.
Kung parati kang nasasaktan at naloloko sa relasyon then better check and really think about how you approach your relationships. Sabi nga, ang lahat ay nagsta-start sa sarili. You can’t give what you don’t have.
Do you accept and love yourself for everything that you are? Are you a happy person and a dear to be with?
Tandaan, love begets love. Huwag kang magmadali, spend time loving yourself first and the love that you deserve will soon come knocking. Ang magagandang bagay, hindi minamadali. “Take it easy.” 😉
Ang payo ng tropa:
Wala namang pinagkaiba iyan sa paghahanap ng makakarelasyon ng isang straight guy o straight woman at mga gays and lesbian.
It boils down to love and trust. Kung mahal ka talaga ng isang tao, kahit ano ka pa man o kahit sino ka man, ano man ang kasarian mo, it won’t matter.
Ang tanong ay baka naman you are too afraid to mingle with others o baka naman masyadong mahirap kang lapitan kaya natatakot sa iyo.
Tsaka hindi minamadali yang pakikipagrelasyon. Darating ang tamang panahon at tamang tao para sa iyo.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.