DEAR Aksyon Line
MAGANDANG BUHAY PO!
Isa po ako sa palaging nagbabasa ng inyong column sa Bandera. Itatanong ko lang po sana sa inyo kung anu po ang membership status ng kapatid ko sa SSS.
Ang pangalan po niya ay Reynard B. Saul, at ang SSS number po niya ay …..5270. Sana po ay masagot po ninyo ang
aking request.
Thank you
and God Bless.
Maribel Saul
REPLY: Magandang araw Ms. Maribel.
Para sa iyong katanu-ngan , lumalabas na hindi balido dahil mali ang form na na-fill up ng iyong ka-patid na si Reynald Saul dahil sa halip na RS1 o voluntary contributions ay E-1 ang kanyang na –fill up na para sa mga may employer.
Sa aming record ay wala naman siyang employer para magbayad para sa kanyang contributions.
May 18 contributions na ang iyong kapatid na may kabuang P1,872.
Kaya pinapayuhan ang iyong kapatid na magtungo sa pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar at mag fill up ng RS1 para sa self-employed ngunit hindi na babaguhin ang kanyang SSS number .
Hindi naman dapat mag-alala dahil hindi naman mawawala ang kanyang mga naihulog kaya mas mabuting ayusin na ito sa lalong madaling panahon.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.