Horoscope, March 13, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Katulad ng ulan, bubuhos ang maraming suwerte! Pero hindi ka dapat matuwa dahil tulad ng baha, mabilis ding huhupa ang magandang kapalaran. Matuto kang magtipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, tuloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 19, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— May paglalakbay na darating, sunggaban mo agad, pagkakataon mo ng umunlad. Sa pag-ibig, tiisin ang pansamantalang paglayo sa pamilya kesa naman nandito ka lang pero patuloy kayong naghihirap. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 30 at 46. Mahiwaga mong mantra: Aum-Shadja-Om-Dhaivata.” Orange at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Iwasang makipagtalo sapagkat sa sandaling nasuong ka sa isang diskusyon, masisira lang ang araw mo. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagiging mahinahon. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” White at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Humingi ng pabor sa mga nakakataas, makikita mo at pagbibigyan ka nila! Sa pinansyal, habang tinutulungan ka ng iba ay lalo kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, bigyan ng pabor ang kasuyong Libra, gagantihan ka niya ng masarap na romansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dominum-Miraculum-Om.” Blue at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Dahil sa pagkakaroon mo ng mabuting pagkatao ay lalo kang pagpapalain ng tadhana. Panatiliin ang pagiging mahinahon at mabait upang magpatuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at at material na bagay. Mapalad ang 2, 11, 19, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Agla-Om.” Yellow at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Maiinis ka na naman habang hindi umaayon sa gusto mo ang mga pangyayari! Hindi ka dapat magpaapekto, ituloy lang ang gawain ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wag pakialaman ang trip ng kasuyo upang huwag kayong mag-away. Mapalad ang 7, 18, 21, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Aum.” Pink at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang pagiging masaya upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, kulang ka lang sa romansa kaya ka tumatamlay. Mamaya ay yayain ang kasuyo sa isang pribado at tahimik na silid. Mapalad ang 4, 10, 19, 23, 28 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Homine-Cumuntatus-Om.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Hindi matatapos ang araw ay may malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa kasuyong mapera! Mapalad ang 7, 11, 20, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Yellow at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi na maibabalik ang nakaraan, makuntento sa kasalukuyan. Wag mabuhay sa panghihinayang! Sa pag-ibig, pagtiyagaang mahalin ang kasuyong pangit. Sa pinansyal, matutong mag-ipon para hindi na uli mangungutang. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Darshana-Om-Jehana.” Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kahit na may pagkakuripot ka, nakapagtatakang dating pa rin sa iyo nang dating ang suwerte. Ganyan talaga ang madasalin. Ipagpatuloy ang paghingi ng awa kay Lord upang patuloy ka pang pagpalain. Mapalad ang 7, 17, 26, 39, 40, at 49. Mahiwag mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Kapag tuluyan nang nagapi ang takot ay magsisimula nang umasenso at yumaman. Upang matupad ang iyong layunin, sugod lang nang sugod ang dapat! Sa pag-ibig, ang pangamba ay nasa isip lang – tuloy ang lihim na pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yohana-Govinda-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Biyernes Trese ngayon – mag-ingat! Wag mo nang gawin ang isang bagay na matagal mo nang pinaplano, sa halip ay mas mainam pang ipagpabukas mo ito. Sa pag-ibig, suwerte naman ang hatid ng “Biyernes Trese” – may masarap na romansang magaganap. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Agla-Deva-Om.” Yellow at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Tama ang style mong tahimik lang! Kahit unti-unti nang yumayaman ay huwag ipapahalata sa mga kapit bahay upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, huwag ipakita sa madla ang pagiging sweet ninyo ng iyong kasuyo upang hindi kayo kaiingitan. Mapalad ang 6, 18, 21, 24, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Lilac at red ang buenas.

Read more...