Magiging CPA kaya? (2)

Sulat mula kay Rhealyn  ng Malitbog, New Corella, Davao del Norte

Problema:

1. Ako ay isang single mom, pero kahit may anak na ako ay hindi ako naghinto sa pag-aaral dahil pangarap ko talagang makatapos ng aking kurso. Sa tulong ng mga magulang ko ay nakatapos naman ako ng kursong B.S. Accountancy at sa kasalukuyan ay nagse-self review ako para sa CPA examination. Sa susunod na taong 2016 ay balak kong mag-take ng CPA board exam.

2. Nais kong malaman kung susuwertehin ba akong makapasa sa 2016 at suwerte ba sa akin ang taong 2016? Sa pag-ibig, gusto ko ring malaman kung may magandang love life pa kaya akong mararansan kahit na ako ay single mom sa kasalukyyan? October 6, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Rhealyn ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra ang nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban kung ang susunod mong mamahalin ay isang Aquarius.
Numerology:

Ang birth date mong 6 ang tumiyak na sa career, lalo na sa pagiging isang CPA, siguradong susuwertehin ka at malayo ang iyong mararating.
Luscher Color Test:

Upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na red at green. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.

Huling payo at paalala:

Rhealyn, ayon sa iyong kapalaran hindi ka dapat mag-alala sa caree, dahil sa sandaling kumuha ka ng CPA board exam sa susunod na taon ay siguradong makakapasa ka at magiging isang ganap na Certified Public Accountant. Ngunit sa pag-ibig, dalawang beses ka munang mabibigo, pero sa ikatatlong pakikipagrelasyon, sa taong 2017 sa edad mong 28, tiyak ang magaganap makakaranas ka na ng isang tapat at masayang relasyon na hahantong sa isang maligaya at pang habambuhay na ring pagpapamilya.

Read more...