Alonzo love na love ni Coco: Pinupunasan pa niya sipon ko!

COCO MARTIN AT ALONZO MUHLACH

COCO MARTIN AT ALONZO MUHLACH

Muntik na kaming mahulog sa aming kinauupuaan noong tanungin kami ng child star na si Alonzo Muhlach sa backstage ng 31st Star Awards for Movies kung bakit hindi raw siya nanalo bilang Best Child Performer.

Sina Bimby Aquino Yap at Miggs Cuaderno ang nag-tie para sa Best Child Performer that night. Presenters naman si Alonzo at ang daddy niya na former child wonder na si Niño Muhlach para sa Lifetime Achievement Awardee na si Maryo J. delos Reyes.

Muli naming nakausap si Alonzo sa presscon ng Wansapanataym’s special summer-drama series titled Yamishita’s Treasures na magsisimula na sa March 22. Late dumating si Alonzo sa presscon dahil galing pa siya sa taping ng show ni Vice Ganda.

Kuya ni Alonzo ang bida sa Wansapanataym na si Coco Martin. Newton daw ang pangalan ni Alonzo at may pagka-nerd siya sa kuwento, kung saan diwata naman ang role ng leading lady ni Coco na si Julia Montes.

Naramdaman naman ni Alonzo ang love sa kanya ni Coco sa taping nila ng Wansapanataym, “Love po niya ako. Nagpupunas po siya ng sipon ko kapag nag-iiyak po ako,” anang bagets.

Ibinuking din ni Alonzo na sweet sa set ang kanyang Kuya Coco at si Julia. Noong humirit na kami ng isa pa’ng tanong after we said last question na ‘yung nauna, natawa ulit kami sa sinabi ni Alonzo sa amin, “Sabi mo po last na ‘yun?”

O, di ba, anak talaga siya ng original na child wonder!

Read more...